Jessica nagpaturo sa kanyang lola para sa Phl national anthem

MANILA, Philippines - Inamin ni dating American Idol runner-up Jessica Sanchez na bago para sa kanya ang pagkanta ng Phi­lip­pine national anthem.

Bukod sa Lupang Hinirang para kay Manny Pac­quiao, kakantahin din ngayon ng 18-anyos na Fil-Ame­­­rican singer ang Star-Spangled Banner para kay Me­xi­can-American Brandon Rios.

Ayon kay Sanchez, nagpaturo siya sa kanyang lola para sa tamang pagbigkas ng mga nota ng Lupang Hi­nirang.

Naging istrikto ang National Historical Institute (NHI) sa panonood sa mga kumakanta ng Lupang Hi­nirang sa mga malalaking event, kagaya ng mga laban ni Pacquiao.

Kabilang sa mga pinuna ng NHI ay sina Martin Nie­vera (Pacquiao-Ricky Hatton), Sarah Geronimo (Pac­quiao-Erik Morales III), Zyrene Parsad (Pacquiao-Antonio Margarito) and Jennifer Bautista (Pacquiao-Erik Morales II).

Show comments