Grizzlies tinalo ang Magic

ORLANDO, Fla. -- Nagposte si Mike Miller ng 19 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Ed Da­vis ng 16 points at 10 boards para pangunahan ang Mem­phis Grizzlies sa 97-91 panalo kontra sa Orlando Ma­gic.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Grizzlies sa kanilang pre-season campaign.

Naglaro si Miller sa loob ng 30 minuto at nagtala ng 7-of-10 fieldgoal shooting.

Pinamunuan naman ni rookie Victor Oladipo ang Ma­gic sa likod ng kanyang 22 points.

Tumapos si Nik Vucevic na may 13 points at 11 re­bounds bago na-foul out sa third quarter.

Pinaglaro ng dalawang koponan ang kanilang mga starters sa third period kung saan lumamang ang Ma­gic.

Nakabawi naman ang Grizzlies para iposte ang isang 15-point lead.

Show comments