2 free agents pinapirma ng pacers

NDIANAPOLIS -- Kinuha ng Indiana Pacers sina free agents Ron Howard at Darnell Jackson.

Naglaro ang 6-foot-5 swingman na si Howard para sa Fort Wayne Mad Ants sa NBA Development League noong nakaraang season, habang ang 6’8 na si Jackson ay kumampanya para sa Cleveland, Milwaukee at Sacramento sa NBA.

Nakita siya noong nakaraang season para sa Reno Bighorns sa D-League.

Noong nakaraang season, pinuwersa ng Indiana ang Miami sa Game 7 ng NBA Eastern Conference finals.

Pinapirma ng Pacers sina Chris Copeland, Donald Sloan at C.J. Watson mula sa free agency market at nabingwit si Luis Scola mula sa Houston Rockets sa pamamagitan ng trade.

Haharapin ng Indiana ang Orlando sa season opener sa Oktubre 29.

Show comments