Clippers umaasang muling mapapapirma si Odom

LOS ANGELES -- Umaasa ang Clippers na mu-ling mapapapirma si Lamar Odom, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.

Pinaniniwalaang si free-agent forward Antawn Jamison na mapapapirma ng Clippers ngunit sinabi ng koponan noong Huwebes na balak nilang muling kunin si Odom, ayon sa source.

Sinabi ni New Clippers president at coach Doc Rivers na may positibong impluwensya si Odom sa Clippers noong nakaraang season.

Isa si dating Clippers coach Vinny Del Negro sa mga pumuri kay Odom.

Ang 33-anyos na si Odom ay nagtala ng mga ave-rages na career-low 4.0 points at 5.9 rebounds noong nakaraang season.

Show comments