PNP, PhilHealth maghihiwalay sa UNTV

LARO NGAYON

(Pasig Sports Center, Pasig City)

2:30 p.m. PNP vs PhilHealth

4 p.m. Congress-LGU vs MMDA

5:30 p.m. Judiciary vs AFP

 

MANILA, Philippines - Isang koponan lamang ang mananatiling malinis ang kartada sa mga laro sa 1st UNTV Cup ngayong hapon sa Pasig Sports Center sa Pasig City.

Maglalaban ang Philippine National Police at ang PhilHealth ngayong alas-2:30 ng hapon.

Parehong may 2-0 record ang PNP at ang PhilHealth ay naghahangad na mapalakas ang kanilang tsan­sa sa outright semifinals seats na ibibigay sa top two squads matapos ang single round elimination.

Hangad naman ng Congress-LGU na makabangon sa 73-98 kabiguan sa PhilHealth sa pagharap sa Metro Ma­nila Development Authority sa alas-4 ng hapon ka­su­nod ang laro ng Judiciary, nagmula sa 60-130 kabiguan sa Department of Justice, laban sa Armed Forces of the Phi­lippines sa alas-5:30.

 

Show comments