Collison sa LA Clippers

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo si free-agent point guard Darren Collison sa two-year deal sa Los Angeles Clippers para maging back-up ni  Chris Paul, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Ang suweldo ni Collison ay bahagi ng mid-level exception at ang kontrata ay may player option sa ikalawang season.

Ang dating UCLA star ay nag-average ng 12 points at 5.1 assists para sa Dallas noong nakaraang season.

Show comments