Shaw bagong coach ng Nuggets

Matapos ang walong taong pagiging assistant coach, nakuha  ni Brian Shaw ang kanyang unang head-coaching job sa Denver Nuggets.

Sinabi ni Shaw sa Yahoo! Sports na kinuha siya bilang  bagong coach ng Nuggets. Ang dating NBA player ay naging assistant coach ni Hall of Famer Phil Jackson noong 2005-11 at dalawang season sa Indiana Pacers.

Na-interview din si Shaw para sa head-coaching openings sa Los Angeles Clippers at Brooklyn Nets.

Show comments