Gilas Pilipinas bagsak sa LSU-Baltai

MANILA, Philippines -  Tinapos ng LSU-Baltai ang ratsada ng Gilas Pilipinas II sa kanilang Lithuanian tune-up series matapos kunin ang isang 89-86 panalo nitong Linggo ng gabi sa Svyturio Arena.

Tumipa si Vidmantas Sragauskis ng limang three-point shots para tumapos na may 23 points nang ipalasap ng LSU-Baltai ang unang kabiguan ng mga Filipino cagers na umiskor ng panalo kontra sa Klaipedos-Neptunas at Birstono Jazz Direnta.

“Talo, 89-86. Just like that week 1 is done. 9 practices, 3 games. Now d tediousness, homesickness & fatigue are kicking in. How do we react?” sabi ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang Twitter page.

Tatlo pang laro ang gagawin ng Nationals bago lisanin ang kanilang Lithuanian camp para sa isang Tokyo series laban sa Japanese national team.

Susunod na haharapin ng Gilas ay ang Under-20 national team ng Lithuania na siyang defending champion ng FIBA Euro U-20.

 

Show comments