Ilang draft prospects nag-workout sa Phoenix

PHOENIX – Ilan sa malalaking pangalan sa gaganaping NBA draft – kabilang sina Ben McLemore ng Kansas at Victor Oladipo ng Indiana – ang nanguna sa grupo ng ilang prospects na nag-work-out para sa bagong pamunuan ng Phoenix Suns nitong Miyerkules.

Nakibahagi rin sina small forward Shabazz Muhammad ng UCLA, forward-center Cody Zeller ng Indiana at 7-foot-2 Frenchman Rudy Gobert.

Nagkaroon ng private work-out si McLemore sa bagong general manager ng Suns na si Ryan McDonough at bagong coach na si Jeff Hornacek.

Ang anim na iba pa kabilang sina Wisconsin center Jared Berggren at Oregon small forward E.J. Singler ay isang grupo na nag-work-out.

Dumating din si Maryland center Alex Len ngunit hindi nag-work-out  dahil nagrerekober pa ito mula sa operasyon sa ankle.

Hawak ng Phoenix ang fifth overall pick at ang 30th na final pick - sa June 27 draft.

 

Show comments