West inaasahang lalaro para sa Pacers sa Game 1 kahit may injury

INDIANAPOLIS -- Inaasahang maglalaro si Pacers forward David West sa Game 1 ng Eastern Confe-rence finals sa Miami sa kabila ng isang injury sa kanang hita.

Hindi pinayagan ng mga team doctors si West na makasali sa team practice dahil sa sinasabi ni coach Frank Vogel na isang calf strain o lower leg strain.

Sumali siya sa shoot around kasama ang kanyang mga teammates matapos ang team practice.

Sinabi ni Vogel na minabuti ng mga doktor na ipahinga si West ng isang araw.

Nilagyan naman ng tape ang kanang hinlalaki ni Pacers center Roy Hibbert matapos tamaan sa kanilang practice.

Tinapos niya ang workout at inaasahang maglalaro sa kanilang laban ng Miami Heat sa Miyerkules.

Show comments