Detroit head coach posibleng sibakin sa puwesto

MINNEAPOLIS -- Isang mahirap na season ito pa­ra kay head coach Lawrence Frank sa loob at labas ng basketball court.

Hindi niya naigiya ang Detroit Piston sa anim na laro dahil nagkasakit ang kanyang asawa.

Alam ni Frank na kapag dumating ang isa na namang malamyang season para sa Detroit ay kailangan nang gumawa ng desisyon si general manager Joe Du­mars tungkol sa kanyang trabaho.

Ilang bulung-bulungan na ang lumutang hinggil sa na­katakdang pagsibak kay Frank.

Sa pagharap ng Pistons sa Minnesota Timberwolves noong Sabado ng gabi, tangan ng Detroit ang 25-51 record para sa ika-12 posisyon sa Eastern Con­fe­rence.

Nagpapalakas sa ngayon ang Pistons.

 

Show comments