Foreman pinayuhan si Pacquiao
MANILA, Philippines - May magandang payo si dating two-time world heavyweight legend George Foreman para kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Ayon sa 64-anyos na si Foreman, dapat nang kalimutan ng 34-anyos na si Pacquiao ang kanyang mga natikmang kabiguan mula sa mga kamao nina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley, Jr. noong nakaraang taon.
Mas dapat niyang tutukan ang kanyang pagbabalik ngayong taon at muling kumuha ng isang world boxing title.
“He should go back and forget about all of his past opponents, forget about all of his let downs and go back and decide if he want to be the champion of the world again, without any name or any opponent or preconception of any opponent,†ani Foreman kay Pacquiao.
Isang kontrobersyal na split decision loss ang natikman ni Pacquiao laban kay Bradley noong Hun-yo 8, 2012 kasunod ang kanyang sixth-round KO loss kay Marquez noong Disyembre 8, 2012.
Nangako si Pacquiao na magbabalik sa boxing ring sa Setyembre, ngunit wala pa siyang sinasabing gusto niyang labanan at kung saan ito gagawin.
Hinikayat ni Foreman, tinapos ang kanyang makulay na boxing career, kasama dito ang kanyang kabiguan kay Muhammad Ali at panalo kay Joe Frazier, na may 76-5-0 win-loss-draw ring record kasama ang 68 KOs, si Pacquiao na kumuha ng korona at magretiro.
“Go back and win the title, because his legacy will not be decided by on a name of his opponent, but on his accomplishment,†sabi ni Foreman. “Forget about everybody and get that title. Make your country and fami-ly proud and walk away from the sport.â€
Si Pacquiao ang tanging Asian fighter na nanalo ng walong world boxing title sa walong magkakaibang weight divisions.
- Latest















