Wesley muling nagsolo sa Asian Zone 3.3

Tagaytay City, Philippines --- Nasolong muli ni Fi­lipino Grand­master Wes­ley So ang over­all lead sa seventh round ng Asian Zone 3.3 Chess Championships.

Ito ay matapos gibain ng 19-anyos na si So si IM Ngu­yen Duc Hoa ng Vietnam di­to sa Tagaytay Inter­na­tional Convention Center.

May 6.0 points ngayon ang tubong Ba­coor, Cavite na si So, may Elo rating na 2682.

Nauwi naman sa draw ang laro ng da­­ti niyang ka­salo sa liderato na si se­cond seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam kay 12-time national open champion GM Rogelio ‘ Joey’ An­to­nio, Jr.

May 5.5 points ngayon si Son sa torneong may nakatayang dalawang tiket para sa World Chess Cup sa Tromso, Norway.

Si GM Oliver Barbosa pa lamang ang Filipino na may guaranteed  seat sa World Cup.

Nanaig naman si GM Cao Sang ng Vietnam kay IM Bayarsaikhan Gun­da­vaa ng Mongolia upang umangat sa 3rd hanggang 4th places kasama si An­tonio mula sa magkatulad nilang 5.0 points.

Nasa fifth hanggang eighth places sa magkakapareho nilang 4.5 points sina defending champion GM Susanto Me­garanto ng Indonesia, GM Mark Pa­ragua, GM John Paul Gomez at GM Darwin Laylo.

 

Show comments