Pinay body builder may ibabahagi sa mga Pinoy

MANILA, Philippines - Matagumpay ang soft launch ng e-book ng Pinay  bodybuilder na si Gemmalyn Crosby kaya nangako siyang babalik sa susunod na taon upang iimprenta ang The Gemmalyn Crosby’s Bikini Body Diet sa pag-asang makatulong sa mga kapwa Pilipino na maging mas malusog.

Si Gemma, isang propesyunal na atleta sa International Federation of Body Building and Fitness (IFBB), ay umuwi sa Pilipinas upang ilabas ang kanyang e-book sa Enero 1.

Nagbahagi din si Gemma, isang sertipikadong personal trainer at award-winning fitness phenomenon na kamakailan lamang ay nanguna sa Arnold Schwarzenegger Classic Amateur International Bikini Class B Cham-pionship, ng kanyang mga karanasan at kaalaman bilang propesyunal na atleta, asawa, ina, fitness model sa telebisyon, pelikula at print at bilang tunay na Pilipino sa kabila ng pagtira sa ibang bansa.

Show comments