Tagumpay ang Hagdang Bato

MANILA, Philippines - Sinelyuhan ng Hagdang Bato ang pagi­ging pinakamahusay na ka­bayo na nasilayan sa taong 2012 nang pagharian pa ang Philippine Chari­ty Sweepstakes Office (PC­SO) Presidential Gold Cup Stakes race kahapon sa Santa Ana Park sa Na­ic, Cavite.

Ang inakalang magi­ging mahigpitan na laban sa pagitan ng premyadong kabayo na sakay ni jockey Jonathan Hernandez at nagdedepensang kam­peon na Magna Carta ni jockey JB Guce ay hindi nangyari dahil solong bu­­mulusok ang napaborang kabayo sa pagpasok sa rekta ng 2000-metrong ka­rera.

May respetadong 2:09 tiyempo sa kuwartos na 25, 25, 25’, 24,’ 28’ ang Hag­dang Bato na nalagay sa hanay ng ilang mga ka­bayo na nanalo ng Gold Cup matapos walisin ang Triple Crown Championship.

Personal na kinuha  ni horse owner at bree­der Mandaluyong City Ma­yor Benhur Abalos ang gan­timpala na nag­kakaha­laga ng P4 milyon na nanggaling sa P3 milyon sa PCSO at P1 milyon sa Philippine Racing Commission.

Bukod pa ito sa bree­der’s purse na P200,000 premyo.

Ito ang ika-10 panalo sa taon ng Hagdang Bato at naiangat na nito ang ki­nita sa mahigit na P12 mil­yon.

Show comments