Zombie family (368)

Gilda Olvidado (Pang-masa) - March 2, 2020 - 12:00am

Ang damit ng babae, napansin kapareho ng damit ni Leilani noong babaing zombie pa ito.

At humihikbi-hikbi na ang napakagandang babae.

Gumalaw nang husto ang buong building.

Lindol?

“Ano ba ito? Lumilindol pa talaga?”

Malakas.

Nagpasya ang military employee, tumakbo na lang palabas ng room, tarantang sumakay ng elevator.

Naiwan ang magandang babae.

Ang babaing kahawig noong nasa dagat pa si Leilani. Noong paggising niya ay nakakahinga naman sila ni Nikolai sa tubig.

Tulala si Nikolai. Siya ay husto sa isip, alam ang lahat … at isang hindi kapani-paniwalang pangyayari … na gumanda siya.

Nawala ang pagiging flying zombie. Makinis, matangkad. Hindi ang dating Leilani pero siyang-siya sa utak at damdamin.

Wala siyang nakakalimutan, alam niya lahat.

Perpekto siya noon. Kaya nga lang, nang nagalit siya nang husto, naging flying zombie siya uli.

At ngayon, bumabalik siya sa kagandahang iyon.

Kitang-kita ni Leilani ang sarili sa makakapal na salamin sa kanyang detention room.

“Gumanda uli ako! Gumanda uli akooo!”

Tumigil naman ang pag-uga ng building.

Pero sa tindi ng pag-uga kanina, natanggal ang mga mekanismong nakakabit sa kanya, ang mga clamp na iyon na pumipigil sa kanyang mga kamay at paa.

“Malaya na rin ako! Malaya naaaa!”

Agad siyang bumaba sa elevated platform.

At naghanap ng totoong salamin, nakakita naman, kasingtangkad pa niya.

Kitang-kita niya ang kabuuhan. “Ako nga ito! Ang napakagandang babae sa ilalim ng dagat! Bakit nagbalik? Dahil kaya matagal na rin noong nagalit ako at naging zombie uli?”

Kampante siyang lumabas at umalis sa floor na iyon.

May nakasalubong pa siyang mga military men. At lahat ay napatingin sa kanya, napahanga, hindi alam na siya ang flying zombie. ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with