Instant Daddy
Dear Vanezza,
Love ko ang single mother na GF ko na mas matanda sa akin ng 5 years. Maging ang dalawang boys na anak niya. Ang problema ay hindi boto ang mga parents ko. Bakit daw ako pumili ng babaeng mas may edad at may anak na. May instant family at responsibilidad na raw agad ako. Wala naman akong makitang problema dahil pareho kaming may trabaho. Balak na namin magpakasal, pero ayaw umatend ng nanay ko. Ano ba ang gagawin ko? - Brian
Dear Brian,
Ayaw lamang ng magulang na mahirapan ang kanilang anak. Bigyan mo lamang ng konting panahon si nanay na maproseso niya ang iyong katayuan. Tiyak kapag humupa na ang isyu ay susuportahan ka rin ni nanay sa plano mong pagpapakasal.
Sumsainyo,
Vanezza
- Latest


















