Anak na-depress dahil sa GF

Dear Vanezza,

Nagkabalikan kami ng nobya ko, ang problema ay hindi ko masabi sa nanay ko. Bad shot kasi ang GF ko na isa sa dahilan ng depression ko, pero dahilan din para makaahon ako sa pinagdaraanan ko. Tiyak hindi matutuwa si nanay, pero love ko ang GF ko ano ba ang gagawin ko? – Jhay

Dear Jhay,

Walang magulang na gustong makita na depress ang kanilang anak. Sabihin agad ang iyong relasyon, pero kailangang mong pangatawan ang desisyon mo na hindi na mauulit ang nangyari sa iyo, or else ay unang masasaktan din ang nanay mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments