BF Magpapakasal sa Iba

Dear Vanezza,

Sabay kaming nag-graduate ng BF ko. Pareho na rin kaming may trabaho. Nagyaya na ang BF ko na magpakasal na kami. Ang problema ay kailangan ko pang pag-aralin ang bunso namin. Hindi na makatiis ang BF ko na nagbabanta na magpapakasal sa iba kung hindi ako papayag. Love ko ang BF ko, pero ano ba ang gagawin ko? – CJ

Dear CJ,

Kung totoong mahal ka niya ay iintindihin niya ang kalagayan mo. Kung hindi na siya makatiis ay palayain mo na siya. Maghintay sa tamang lalaki na mamahalin din ang pamilya mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments