Ampon na walang puwang sa pamilya

Dear Vanezza,

Alam ko na ampon ako at kilala ko na rin ang magulang ko. Wish ko lang sanang makapiling ang totoong pamilya ko, pero wala pala akong puwang sa pamilya nila na feeling ko ay hindi naman pala ako kawalan sa kanila dahil hindi ako naging parte ng buhay nila. Ngayon ay nahihiya ako na bumalik sa nakalakihan kong magulang na itinuring akong parang tunay na anak. Gusto kong bumalik sa nag-ampon sa akin na mas na-mahal at na-miss ko. Ano ba ang gagawin ko? - Bella

Dear Bella

Bakit hindi subukan na bumalik sa nakalakihang magulang na tiyak na na-miss ka rin. Upang ipaalam sa kanila kung gaano mo sila kamahal.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments