Feeling Blues

Huwag pilitin na maalis ang nararamdamang blues ngayong Pasko, gaano man nakakapagod o nakaka-stress. Ang proseso ng sakit o kalungkutan ay nagbibigay pa rin ng kaalaman mula sa masakit na karanasan. Tanggapin lamang ang feeling na malungkot o low ang mood.

Mas maganda kung isulat ito sa diary o journal ang nararamdaman, puwede rin mag-drawing o mag-paint. Maghanap ng paraan kung paano ipahayag ang sarili para maibaling ang lungkot sa positibong bagay.

Kahit pa kantahin ang lahat ng mga hugot songs sa karaoke, ang mahalaga ay matulungang ma-manage na magkaroon ng healing sa nararamdamang Christmas blues. Kapag nalampasan ang problema at lungkot sa ibang araw o panahon ay tatawanan mo na ang iyong sarili o ang mga nangyari.

Show comments