Performance Level ng Anak

Maraming problema ang mga magulang sa kanilang mga anak na hindi naman ito maiiwasan. Sa pag-analisa ng mga experts, kadalasan ay hindi napapansin ng mga parents na kina tatay o nanay mismo unang nagsisimula ang ugat ng problema.

Katulad ng pag-tolerate ng mga parents sa misbeha­vior ng anak lalo na sa harap ng teacher. May panahon nga namang magsumbong kay Tulfo, pero walang effort ang magulang na umatend ng Parent-Teacher Fellowship o PTF. Walang pakialam sa grades ng mga bata. Basta na lang ipina-enroll na hindi na nagmalasakit na mag-follow up sa performance ng mga anak. Hindi rin nakikipag-cooperate ang mga parents sa mga activities o advocacies ng school. Pero mataas pa rin ang expectation nina Daddy at Mommy mula sa kanilang mga anak. Ayaw o hindi matanggap ang limitasyon o kahinaan ng anak. Ang resulta ay nagkakaroon ng mali at masamang performance o behavior ang anak.

Hindi pa huli ang lahat na kailangan maglaan ng oras na makipagkomunikasyon sa mga anak na alamin ang kanilang performance, activities, at kilalanin ang kanyang mga classmates, o friends. Higit sa lahat ay kamustahin ang anak sa kanyang mga teachers upang maagapan agad ang problema ng bata.

Show comments