Anak ipinagpalit ng nanay sa iba

Dear Vanezza,

Ang nanay ko ay nasa Canada at may iba nang asawa. Gusto ng nanay ko na kunin na niya ako, ang problema ay takot ako dahil hindi naman ako marunong magsalita ng Ingles.  Hindi rin nga ako nakatapos ng high school. Takot at galit din akong makita ang nanay ko na may iba nang asawa at ibang anak na ipinagpalit kami sa ibang pamilya. Ano ba ang dapat gawin ko?- Samson

Dear Samson,

Hindi masama kung subukan mo muna saka magdesisyon kung talagang ayaw mo. Panahon na rin para makabawi si nanay mo sa lahat sa pakukulang niya sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments