Exercise at depression

Sa pag-aaral, ipinakikita na ang exercise ay puwedeng matanggal ang mild hanggang moderate na depression at epektibo bilang antidepressant medication, pero walang side effects.

Ang simpleng pagtakbo o paglalakad sa loob ng 15 minutes sa isang araw ay nababawasan ang risk ng major depression ng 26%. Sa research din ay napag-alaman na ang regular na exercise ay nababawasan ang mga sintomas ng depression. Ang exercise ay powerful na panlaban sa depression. Ang pinakaimportante ay napo-promote ang lahat ng klase nang pagbabago sa brain. Kasama ang neutral growth, nababawasan ang inflammation, at nagkakaroon ng activity pattern na napo-promote ang kalmadong pakiramdam at pagkatao.

Nailalabas din ang endorphins, ang powerful na chemicals sa brain na nagpapalakas sa spirit na nagpapaganda naman ng pakiramdam. 

Finally, ang exercise ay nagsisilbing distraction na pinapayagang magkaroon ng quite time upang mabasag ang cycle ng negatibong pag-iisip na pinagmumulan ng depression.

 

Show comments