Nabuntis nang wala sa oras

Dear Vanezza,

 

Sinisisi ako ng bestfriend ko na bitter sa buhay. Ang siste ay nabuntis siya nang maaga. Wala man lang daw nagsabi o nagpangaral sa kanya na mali ito. Dahil sa school, barkada niya ay open ang pakikipag-sex. Pero ngayon ay nagsisisi siyang nabuntis nang wala sa oras. Paano ko ba mako-comfort ang kaibigan ko? – Mabel

Dear Mabel,

Suportahan na lamang ang kaibigan mo at payuhan na tuloy pa rin ang buhay kahit magkakaanak na siya. Puwede pa rin ang maging maayos ang kanyang sitwasyon kasama ang kanyang anak.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments