Paboritong intrigahin sa Opisina

…pero hindi paborito ni Bossing, meaning, hindi napapansin ang galing sa trabaho. Mula sa point of view ng Fengshui, narito ang mga sumusunod na dahilan:

1—Makalat ang iyong desk. Nagbibigay ito ng impresyon na burara ka at nagpapababa ito ng iyong pagkatao.

2—Ang likuran mo ay daanan ng mga tao. Nakakaapekto ito sa iyong konsentrasyon at work output.

3—Ang likuran mo ay bintana. Wala kang supporting mountain or literally, walang suporta ng mga superiors.

4—Nakaharap ka sa main entrance ng opisina or opisina ni Bossing. Wala ka man lang harang upang magkaroon ng sense of security.

5—Dahil maliit ang opisina, nakaharap ka sa pader. Nagpapahayag ito na wala ka nang pag-asang makaalis sa iyong kinalalagyan o wala kang asenso.

6—Hindi maganda ang lighting sa iyong puwesto o kaya ay nakatapat ka sa ilalim ng beam.

Show comments