Lalaki tinubuan ng sungay matapos mauntog!

Limang taon na diumano ang nakararaan nang mauntog ang lalaking si Shyam Lal Yadav. Simula raw noon, napansin niya na ang kakaibang tumutubo sa kanyang bumbunan – isang sungay.

Madalas daw ipa-trim noon ng 74-year-old na magsasaka sa isang barbero sa kanilang lugar ang sungay na ito. Ganunpaman, mabilis pa rin daw itong tumutubo at humahaba, hanggang sa umabot na nga sa 10cm ang nasabing sungay.

Dahil sa mahirap na kalagayan, hindi na kinaya ni Yadav ang bigat nito, pumunta na siya sa ospital para magpatulong sa mga doktor.

“Around five years ago the patient had hurt his head after which a lump started growing. Initially, he ignored it as it did not cause any discomfort. Also, he got the growth cut by the local barber.

“But, when the lump hardened and started growing further, he approached the hospital at Sagar,” pagpapaliwanag ng isang espesyalista na sumuri sa kanya.

Natanggal na ang mabigat na sungay sa ulo ni Yadav at kasalukuyan na siyang nagpapagaling.

Samantala, hindi alam kung ano ang naging sanhi upang tumubo ang sungay na ito, pero napag-alaman ng mga scientists kamakailan lang posibleng konektado ito sa radiation at UV exposure.

Show comments