DIY sa Pagkukumpuni ng Leak sa Lababo
Pagdating sa maintenance at repairs, ang pagtawag sa professional na labor ay madalas napapamahal ang budget sa part ng homeowner.
Para makatipid ay dapat pag-aralan ang ilang simpleng handiwork na tiyak ay mayroong skills ang sinoman sa miyembro ng pamilya sa pagkukumpuni sa ating bahay.
Gaya ng kung may tulo ang lababo. Ang simpleng DIY ay i-drain o patuyuin muna ang pipe. Baka kailangan lamang na higpitan ang P-trap nito. Kung ang leak ay mula sa butas kailangan lamang palitan ang bahagi saka higpitan. Pero kapag ang leak ay mula sa drain pipe sa loob ng wall, puwede nang tumawag ng professional na gagawa para bigyang remedyo ang sira ng lababo.
- Latest