9 Practical Fengshui Tricks

…para dumaloy ang pera sa loob ng wallet mo!

1—Maglinis ng bahay. Kasama na ang iyong bakuran.

2—Ipaayos ang gri­pong walang tigil ang tulo kahit ito nakasara.

3—Tanggalin ang lahat ng kalat o bagay na nakaharang sa inyong main door.

4—Tanggalin at palitan ang mga bombilyang pundido na.

5—Magtanim ng halaman sa inyong paligid.

6—Laging isara ang pintuan ng toilet. Panatilihin din na nakasara o nakababa ang toilet seat cover kung walang gumagamit. Bago mag-flush, ibaba muna ang seat cover. Simbolo kasi ng “gastos” ang  pag-flush sa toilet.

7—Linisin ang inyong bintana. Ang bintana ay simbolo ng iyong pananaw sa buhay. Kailangan ang malinaw na pananaw upang maakit mo ang mga bagong oportunidad na mapagkakakitaan.

8—Gumamit ng mga bagay na may kulay gold at purple sa Southeast area ng iyong bahay kagaya ng kurtina, pang-displey na figurine, etc.

9—Panatilihing malinis ang stove. Lagi rin gamitin ito sa pagluluto dahil nagsasaad ito ng kasaganaan at good nou­rishment para sa pamilya.

Show comments