Sino ang puwedeng mahawaan ng Leptospirosis?

Sa kaso ng leptospirosis ang mga taong nagtatrabaho na malapit sa may contact sa mga kontaminadong hayop o animal products ang mapanganib na puwedeng mahawaan lalo na sa mga matubig na lugar.

 Partikular na rin ang paglusong sa baha lalo na ang may sugat, hindi lamang sa paa. Pero ma­ging ang walang sugat ay puwede ring magkaroon ng leptospirosis kung sakaling ang kontaminadong tubig gaya ng baha o tubig ay mapasok sa katawan.

Maaaring ang droplet ng tubig o wisik ay mai­pasok sa pamamagitan ng ilong, bibig, o sa mata.

Sino bang indibidwal na kadalasan na mapanga­nib na mahawaan ng leptospirosis?

1.  Farm workers

2.  Veterinarians

3.  Meat workers

4. Trabahador na involve sa kontaminadong paligid 

5.  Plumbers

6. Fishing industry workers

7. Taong lumulusong  sa baha lalo na ang may sugat sa paa, binti, o kahit saang parte ng katawan na maaaring mabasa ng kontanimadong tubig baha.

Show comments