Breast cancer na ‘di masabi ni nanay

Dear Vanezza,

Nabigla akong malaman na mayroong akong breast cancer. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamilya ko lalo na sa mister ko at anak na lalaki. Pareho silang mahina ang loob na tiyak kapag nalaman nila ay mas mauuna pang ma-depress sa akin. Ayaw ko sanang ipaalam sa kanila ang sitwasyon ko. Ano ba ang gagawin ko?

Jamie

Dear Jamie,

Kailangan mo ng suporta ng iyong pamilya. Mas maganda kung sasabihin sa kanila ang iyong sitwasyon upang higit na matulungan ka nila. Mas magiging magaan ang problema kung sama-sama ang pamilya sa iyong laban na harapin ang sakit mong kanser.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments