Buntis na gf itinatago sa nobyo

Dear Vanezza,

May gf po ako at 2 years na kami nang hindi po namin akalain na mabubuntis siya, pero pareho pa kaming 19 years old. Nagalit po nang husto ang magulang niya. Handa ko po siyang panagutan, pero itinatago nila sa akin ang GF ko, dahil masyado pa raw kaming bata. Naguguluhan po ang GF ko na magdesisyon na sumama sa akin kasi kalaban namin ang magulang niya. Ano po ba ang dapat kong gawin? Ang ipaglaban po siya o manahimik na lang? Kasi kahit anong gawin kong pagpilit kung magulang naman po niya ang kalaban ko at dun siya nakadepende, ano ang magagawa ko? - Domeng

Dear Domeng,

Magpasalamat ka na tanggap pa rin ng magulang niya ang kalagayan ng GF mo na walang hinihingi sa iyo. Kaysa mapilitan kang magpakasal ka nang wala sa oras. Mahirap magpamilya nang hindi nakakatapos ng pag-aaral. Tama, ang desisyon ng magulang niya na maghiwalay muna kayo. Saka ka uli magyaya na panagutan ang GF mo at magpakasal kung talagang handa ka na financially na magtayo ng pamilya mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments