Zombie Family (135)

SA malaparaisong isla, puno ng takot ang tatlong turista. Malapit na malapit na ang zombie na si Marga.

“Ano baaaa? Paandarin mo na ang helicopter! Kailangang makalipad na tayo!”

“I’m trying! I’m trying!” Nagpa-panic ang piloto, nanginginig ang kamay.

Si Herman ang hindi nagpa-panic, sanay na siya sa ganitong sitwasyon. “Concentrate lang. Focus. Huwag matataranta.”

Pagkatapos magpayo, bumaba si Herman.

“Saan po kayo pupunta, Kuya Herman?”

“Huwag na ho kayong bumaba! Huwag n’yo nang gawin ang hindi n’yo naman kayang sikmurain!”

Pero alam ni Herman ito lang ang tanging guarantee para mabuhay ang tatlong turista.

Ang ibigay ang hilig ng zombie sa sandaling wala na talagang pag-asa na ang helicopter ay lilipad.

Mahabang-mahaba ang dila ng zombie, kumikiwal-kiwal. Nakatitig kay Herman.

Nagugutom. Ang bibig. Ang nasa pagitan ng mga hita.

Yayakap at hahalik na sana si Herman kay Marga nang biglang umandar ang helicopter.

“Sakay na po kayo dito! Bilis po! Maya-maya lang po ay tataas na ito!” Sigaw ng piloto kay Herman.

Umatras si Herman mula sa ilang dipa na lang na si Marga.

At mabilis na tumalikod, tumakbo sa helicopter.

Bukas ang sasakyan, nakahanda ang dalawang turistang babae na alalayan at hilahin si Herman sa loob para makapasok kaagad ito.

Nakapasok na si Herman.

Kasunod naman si Marga.

Pero mabilis ang pagsara ng pinto na automatic.

Hindi umabot ang mga kamay ni Marga pero ang isang daliri ay nasabit, naipit.

“AAAAAAY­YYYYIIIIIIIIII!” Napasigaw ang zombie.

Sa sakit ba? Hindi. Sa galit!

Umangat na ang helicopter. Naputol ang daliri ni Marga, naiwan sa sahig na kumikiwal-kiwal. May sariling buhay.  - ITUTULOY

Show comments