Magnanakaw at sinungaling na anak

Dear Vanezza,

Ang anak ko ang taga-bayad ng  mga bills at loans na kinuha ko sa isang credit card. Pero laking gulat ko na biglang tumawag  ang opisina na tatlong buwan na raw delay ang payments ko. Samantalang regular akong nagpapahulog sa anak ko na sinasabing tinatabi niya raw ang resibo. Nadismaya ako sa anak kong magnanakaw at sinungaling pala. Ano po ang gagawin ko? – Janice

Dear Janice,

Maging aral sa iyo na huwag ipagkatiwala sa anak ang pagbabayad mula ngayon kahit gaano ka-busy para magbayad. Dahil natutukso ang anak sa malaking pera. Bigyan ng leksyon ang anak at kausaping huwag na niya itong ulitin dahil balang araw hindi malayong makulong at mapahamak ang anak mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments