Zombie Family (119)

KITA ng dalawang sur­vivor na turista na kahit gusto ni Herman na makapagligtas ng buhay, hirap na hirap naman ito sa kapalit.

“Kawawa naman siya, Tricia. Makikipag-lovemaking sa napakabahong zombie, it’s worse than death actually!”

“Totoo ‘yan! Ano kaya maitutulong natin?”

“I don’t know. Nailig­tas na niya ang buhay natin! Laki ng utang na loob natin sa kanya!”

“But there’s nothing we can do. Kapag pini­gil natin siya, patay si Brent!”

“At kaibigan natin si Brent. Crush ko pa nga ‘yon, e!”

“Ako rin, crush ko rin si Brent! Kundi pa nagkakaganito hindi natin mabubuko ang isa’t isa kung sino ang pinupuntirya natin sa mga guys na kasama natin!”

“O ano na? Tatanga na lamang ba tayo habang nagdudusa si Tito Herman?”

“Eh, wala nga akong maisip na sure solution. Hindi natin gusto na may mamatay, ‘di ba?”

Tumalikod na lang ang dalawa.

Ayaw nilang makita ang the most horrifying lovemaking between a man and a zombie.

KAKAGATIN na sana ni zombie Marga ang walang malay na turista nang bigla siyang hinawakan ni Herman on between her legs.

Natigilan si Marga.

Nanlaki ang mga mata na unti-unti ring luma­lamlam.

Para na namang idinuduyan sa papatinding sarap.

Inaasahan na ng nabubulok na katawan ang luwal­hati ng lovemaking nila ni Herman.

Umikli ang pakiwal-kiwal na dila ni Marga, parang hinila mula sa loob ng kanyang katawan.

Hanggang sa pumantay na ang dila sa bibig.

Hinanap agad ng bibig nito ang bibig ng lalaking hanggang sa kanyang pagiging zombie ay mahal at sinasamba pa rin ng katawan.

Siniil niya ng halik si Herman. Halos mapugto naman ang hininga ni Herman. Lalo na dahil sa walang katulad na amoy mula sa loob ni Marga.

Naiyak si Herman sa kanyang dinadanas. Pero kuntento naman siyang isipin na makakapagligtas na naman siya ng buhay. - ITUTULOY

Show comments