Hanggang sa pagputi ng buhok ng mag-asawa

Kailangan magdesisyon kung ano ang gustong gawin sa buhay: Ang dalawang taong kapwa tumanda nang magkasama bilang partner, o dalawang tao na parehong magkahiwalay na naiwang nag-iisang matanda na.

Siyempre lahat ng mag-asawa na simula pa lamang na ang intensyon ay makasama hanggang pagtanda si misis at mister, higit pa sa kahulugan na nakatira sa iisang address ng bahay.

Hindi hinahayaan ang ibang priority kahit pa ang kanilang careers, activities, at responsibilidad na maging hadlang sa kanilang pagsasama. Bagkus ay nanatiling committed sa hirap o ginhawa, in sickness or in healthy… till death do us part. Umaasa pa rin sa pangarap na pinanghahakawan na ka-forever na kapiling si honey o sweetheart.

Kung kaya oras nang namnamin ang adventure ng growing old…. together bilang husband at wife. Magkaroon ng agreement na kailangang mayroong boundaries na ang inyong marriage ay bilang priority ng mag-asawa.

Laging tingnan kung ano ang puwedeng ma-accomplish sa bawat taon at maging hanggang sa kapwa maputi na ang inyong mga buhok bilang mag-asawa.

Show comments