Ebak sa ibabaw ng kama

Panaginip: Nadatnan kong maraming dumi ng tao ang ibabaw ng aming kama. Umamin ang aking apo na siya raw ang dumumi doon.---Nida

Interpretation: Ang dumi ng tao ay simbolo ng perang galing sa masama.

Ang dumi na galing sa inaalagaang hayop na pinagkakakitaan ng mga tao  (baboy, kambing, aso, baka, manok, etc.) ay simbolo ng perang kinita mula sa malinis na paraan. May perang darating sa iyo pero ito ay mula sa masamang paraan. Ang malaking bahagi ng perang ito ay gagastusin mo sa iyong asawa.

Show comments