Eye at Physical Contact

Ang eye contact at physical contact ay dapat kasama sa araw-araw na pakikitungo ng magulang sa anak.

Ang anak ay dapat na natural, komportable, at hindi OA kung umasta o kumilos. Ang bata o teenager ay dapat lumalaki sa bahay na nakakasanayan mula sa magulang ang paggamit ng eye at physical contact na komportable sila sa kanilang sarili o sa ibang tao.

Mas madaling makikipagkomunikasyon ang anak na mayroon ding mataas na self-esteem. Ang tama at madalas na eye at physical na contact ay dalawang precious na re­galong maibibigay ng magulang sa kanilang teenager. Kung kaya may pokus na atensyon na kadalasan ay epektibong paraan upang mapunuan ang “emotional tank” ng anak.

Show comments