Sa pagpili ng kurso, sino ang masusunod, ang magulang o anak?

“Puwede lang mag-suggest ang magulang kung anong maaaring kuning kurso ng anak. Pero ang ipilit sa anak ang frustation ng magulang ay big no no. Hind naman magulang ang mag-aaral bakit pangungunahan ang anak? - Nikes, Malabon 

“By experience hindi ko sinuportahan ang anak ko sa gusto niyang kursong music. Kasi iniisip ko na walang pera dun. Pinilit ko siyang kumuha ng architecture na second choice niya. Pero na-depress ang anak ko. Maganda ang intensyon ko para sa maganda niyang future, pero iba naman ang passion ng direksyon na gusto ng anak ko. Kaya dapat bilang parents  ay suportahan natin ang anak dahil sila mismo haharap sa studies nila. - Michelle, Bataan

“Nakinig ako sa mommy at ate ko na kunin ko ang kursong nurse. Para raw makapag-abroad ko. Na-enjoy ko naman kasi interesting ang mga subjects. Hindi madali pero nakatapos din ako napagtrabaho hanggang maging head nurse ako. Pagkatapos ng dalawang taon ay nag-apply na kami mga classmates ko sa U.S. Ngayong may kanya-kanya na kaming pamilya ng mga BFF ko rito sa Amerika kasama sina  mommy at ate ko.” - Jessie, Marikina

Show comments