Magarang bahay ng OFW

Madalas napapansin ng mga tao ang magagan­dang bahay ng overseas Filipino workers dito sa bansa.

Pero ang hindi alam ng marami ang masaklap na kondisyon ng tirahan ng mga OFW sa ibang lugar.

Kung makikita lamang nila na nagtitiis na nagsisiksikan ang mga OFW sa iisang kuwarto. Pinagtitiisan na makatulog sa sahig na masikip na higaan upang may maipon na ipapadala sa kanilang naiwang pamilya sa ‘Pinas.

Yung iba ay masuwerte pa na may privacy nga pero kurtina lang ang nakaharang. Pero ang ibang OFW ay pinatutulog sa kusina, karton, at maliit na space basta mairaos ang gabi o pagpapahinga.

Kahit poor ang condition ng kanilang tinitirhan na basta makatipid  upang may sapat na pera na panggastos ng kanilang pamilya. Sa malas ng ibang Pinoy na may ka-share sa kuwarto ng ibang lahi  sa kanilang tulugan na ang sobrang babaho na kinakaya ng mga OFW.

Naiinggit ang marami sa magara at magandang bahay ng mga OFW, pero sa kabila ng malalaking bahay ay may katumbas itong sakripisyo na dugo at pawis na puhunan ng mga overseas para maiahon sa hirap ang pamilya.

Show comments