Sapat na Tulog Para sa Sex Life

Importanteng may sapat na tulog para mayroon tayong lakas.

Alam na natin ‘yan.

Kaya pagkulang sa tulog, kulang din ang pagpa-function ng katawan.

At dahil dito, kapag kulang sa tulog, apektado ang sex life, base sa isang research.

Bukod sa wala kang energy para makipag-sex, natuklasan sa isang pag-aaral na kapag kulang sa tulog, naaapektuhan ang abilidad na ma-excite o ganahan sa sex.

Kaya gaano man ka-hectic ang schedule, gaano man ka-stress ang trabaho, siguraduhing makakatulog nang sapat para hindi mag-suffer ang sex life.

Pero tandaan, lahat ng bagay na sobra ay may masamang epekto.

Baka naman tulog na lang nang tulog at dedma na ang jowa. Masama rin ang epekto nun.

‘Yung sakto lang. ‘Yung sapat lang.

Show comments