Love life o pera ngayong summer?

“Siyempre pera. Hahaha! Masarap magkaroon ng pera kapag summer. May panggastos ka sa bakasyon. Malay natin, sa bakasyon na yun, dun ko mahanap ang love life. Haha! ‘Di ba, may pera ka na, may love life ka pa?” - Daniel, Sorsogon

“Love life... Tagal ko na po kasing single. Saka may pera naman po ako. May work naman po ako kaya hindi ako masi-zero this summer. Ang pinakahiling ko talaga ay girlfriend. Yung mabait at may takot sa Diyos.”- Toby, Makati

“Pwede both? hehehe! Kahit alin po sa dalawa, blessing na po yun. Okay pong may pera pero mas okay ang pag-ibig dahil ang pera po ay nauubos, pero ang pag-ibig ay hindi. Malay natin, siya na ang forever ko. Hehehe!” - Larry, Quezon City

“Pera. Praktikalan lang po. Saka actually kahihiwalay ko lang. Nakakahiya naman kung ngayong summer eh may karelasyon na ako agad. Hoping pa po ako na magkakabalikan kami.” - Nathan, Cebu

“Love life. Sa panahon ngayon madali na lang kumita ng pera kung masipag ka. Mas gusto ko po magka-love life dahil yun ang mahirap hanapin.” - Lhanz, Isabela

 

Show comments