Zombie Family (60)

TUWANG-TUWA si Doktor Patriarchk na lubusang nang nagbalik sa pagkatao ang dalawang anak nina Marga at Herman.

“Herman, gusto mo na bang makausap ang mga anak mo?”

“You mean, gumaling na sila, Dok?”

“Completely. But of course, because they miss out on so many things, parang nahuli sila sa panahon. Hindi sila updated sa mga nangyayari sa mundo. Pero maaayos din ‘yan kapag lagi mo silang kinakausap.”

“No problem. Bibigyan ko rin ng sapat na panahon ang mga anak kong ‘yan, Doktor. Pero si Laurice, siya ang dahilan kaya hindi ko na muna mababantayan si Marga.”

“What do you mean? Parang wala pa akong alam tungkol diyan, a.”

“Dok, bumalik na ako rito sa bahay namin. Nasundan ako ni Laurice at nakita niya ang ginawa namin ni Marga. Muntik na siyang mapatay ni Marga. Nakatakas si Laurice at nakauwi siya rito sa bahay. Pero nadatnan ko siyang tulala, binabantayan na ng mga anak namin. Na-shock siya sa nakita niya and she refuses to face the reality.”

“Jesus … so, pababayaan mo na lang si Marga? Paano kung papatay ng maraming tao ‘yon?”

“Dinagdagan ko ng mga malalaking bato ang entrada ng kuweba bukod doon sa pansara namin. Ikinukulong ko si Marga. Kailangang hindi na siya makalabas doon para kahit wala ako, ligtas ang mga tao.”

“Herman, I hope tama ang ginawa mo. Huwag na nga sanang makalabas sa kuwebang ‘yon ang paramour mong zombie.”

“Hindi ko maiiwan ang legitimate wife ko, Dok. At hindi na muna ako babalik sa gawain kong ‘yon habang ganito ang totoo kong asawa. This is all my fault, Dok! But at least, may magandang pangyayari. Ang mga anak kong zombie, gumaling na.”

“Yes, Herman. At naghihintay sila sa iyo.”

NAKIKILALA ng dalawang anak si Herman nang makita.

“Daddy!”

Nayakap nang buong higpit ni Herman ang dalawa. “Salamat sa Diyos at inilabas na Niya kayo sa sumpa! Isang himala ito, mga anak!”

Itutuloy

Show comments