Sanggol na biglang lumaki

Panaginip: May hawak akong sanggol na napakaliit. Sandali lang at bigla siyang lamalaki. Nabitawan ko ang sanggol dahil sa pagkabigla pero tumalbog lang siya na parang bola at hindi nasaktan.---Melon Juice’89

Interpretation: May isang bagay sa iyong buhay na sinimulan mo at maaaring ito ay tungkol sa mga susunod: relationship, negosyo, trabaho, pag-aaral, proyekto. Ginawa mo ang lahat ng pagsisikap upang ito ay maging successful. Hindi mo ini-expect na magiging ganoon kabilis ang mga “pagbabago” kaya nabigla ka. Hindi mo ngayon alam ang iyong gagawin para maka-adjust sa biglaang pagbabago ng takbo ng iyong buhay.

 

 

 

Show comments