Nagsampalan ang magbiyenan

Panaginip: Napanaginipan kong sinampal ako ng aking biyenang babae kaya sinampal ko rin siya.

Galit na galit ako sa panaginip kaya ipinagngudnguran ko ang kanyang mukha nang magpang-abot kami.

Gi­sing na ako ay nadadama ko pa ang inis. In real life, hindi kami magkasundong dalawa.

Kaya lang kami nag-aaway na mag-asawa ay dahil sa kanya. --- Good Daughter-in-law

Interpretation: Una, galit ka talaga sa kanya kaya ganoon ang napanaginipan mo.

Ikalawa, ang pagsasampalan ay nagpapahayag na darating ang araw na magbabatuhan kayo ng akusasyon. Sa madaling salita, magsisiraan kayo sa isa’t isa.

Show comments