Sintomas ng Heart Attack

May ilang atake sa pu­so na minsan ay biglaan o dahan-dahan ang nararanasan.

Alam ang ibang karaniwang sintomas ng heart attact.

1. Paninikip ng dibdib. Kasama na ang masakit na dibdib, braso lalo na kaliwang bahagi, paikot sa leeg, panga, o likod.

2. Nahihilo, hindi natutunawan, heartburn, sumasakit ang tiyan

3. Kinakapos ng hini­nga

4. Pinapapawisan ng malapot

5. Napapagod

6. Biglang pagkahilo o masakit ang ulo

7. Nagsusuka

Kalimitan ang sakit ay tumatagal ng ilang minuto.

Puwedeng lumala ang nararamdaman dahil sa physical na activity o emotional na stress na hindi nawawala ang sakit kahit magpahinga.

Show comments