^

Para Malibang

Multong Bahay (111)

Gilda Olividado - Pang-masa

PARANG tuliro na ang matalinong suherano. Nadadaig ng sobrang pag-ibig sa kaluluwang pinakamamahal.

“Hindi rin naman ako makakapag-opera kung wala ako sa tamang emotional and psychological state.”

“Eh, bakit nga ho, Dok? May problema ba?”

“Personal. So, for the sake of my patients also, let me take this leave. I can explain it to the admin pagbalik ko.”

“Baka maaapekto ang record ninyo rito sa ospital, Doctor. Very impressive pa naman ho sana hanggang ngayon. Kaya nga ho kahit bata pa kayo, you are already the number one surgeon here.”

“Hindi importante sa akin ang record. Ang mahalaga, kung ano ang totoo sa nararamdaman ko at sa isip ko. Because as I’ve told you, maaapekto rin ang trabaho ko at kaligtasan ng mga ooperahan ko. Please try to get this.”

“S-sige ho. Sa abot ng makakaya ko, ipapaliwanag ko.”

“I have to go.”

PERO wala naman siya talagang alam na pupuntahan.

Ni hindi alam ni Don kung nasaan si Agyana ngayon.

Hindi niya rin lalong alam kung paano pumunta sa purgatoryo.

Naglasing na lang muna tuloy siya sa isang bar.

At doon ay nakita siya ng kapatid na si Donna.

“Bro! What are you doing here?”

Medyo lango na si Don. “My sister? And what are you doing here, too?”

“I didn’t drink a bit dahil pag-uwi ko sa bahay ay may gagawin pa ako about work. I was juist with friends. Sa iyo ako nawiwirduhan. First, nga­yon lang kita nakikitang naglalasing. O, dalawang matapang na alak na ‘yang walang laman sa harapan mo. At ikaw lang ang umubos, ha?”

Hindi makasagot ang surgeon.

“Si Agyana ba ang dahilan?”

“I’ll tell you more about her. But promise not to laugh or think that I’m crazier now.”

“Sana hindi ka uminom para maniniwala na naman ako sa lahat nang sasabihin mo.” Napapai­ling ang kapatid na dalaga.

Nagbago na rin tuloy ng isip si Don.

“Siguro nga saka na lang tayo mag-usap if I’m alcohol-free.”

“Sasabay ka na sa akin. Because I don’t want you to drive in that state.”

Pero ayaw sumabay ni Don, gusto pa rin niya sa bar. Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with