Pagtatanim ng Butil sa Pagtulong

Inaasahan na magiging amazing year ang taong 2019 dahil mayroon tayong power na gawin ang mga magagandang bagay.

Kung paano ang 2018 ay parehong naging challenging at fruitful para sa lahat kung kaya ay hindi matapos ang ating pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga pinahintulutan niyang karanasan sa ating buhay.

Ngayong taon, nabigyan tayo ng clean slate at bawat isa sa atin ay mayroong kalayaan na magdesisyon sa mga bagay na maging meaningful o rewarding ang ating mga araw, buwan, at taon.

Ang isang paraan na magandang simulan ang taon ay pagtatanim ng mga butil na pagtulong sa mga nangangailangan. Maraming daan upang maabot ang mga kapus-palad nating mga kababayan. Katulad ng pag-sponsor sa isang bata. Maraming vulnerable na mga paslit na mayroong pangarap sa kanilang buhay. Ang pag-sponsor ng mga bata ay makatutulong na magkaroon ng access na baguhin ang basic na pangangailangan ng mga batang paslit na mabigyan ng malinis na tubig, edukasyon, child protection, at livelihood para sa kanilang pamilya.

Maging daan ng pagpapala at instrumento para lang sa isang bata na puwedeng maging partner gaya ng World Vision Development Foundation, Bantay Bata, o iba pang organisasyon na legit ang pagtulong sa mga kapus-palad na kabataan.

Show comments