^

Aswang sa Tondo?!

MRYOSO (Pang-masa) - December 30, 2018 - 12:00am

Karaniwang panakot sa atin ng ating mga lolo’t lola ay ang mga Aswang. Kalimitang makikita ang mga nilalang na ito diumano sa mga probinsya, bundok, o ‘di kaya naman ay sa madidilim at mapupunong lugar. Pero, maniniwala ba kayong meron din nito sa siyudad?

Kuwento ng isang ‘di nagpakilalang lalaki sa kanyang post sa isang horror page sa Facebook, buntis daw ang kanyang asawa noon nang mangyari ang nakakakilabot na tagpo sa mismong bahay nila sa Tondo, Manila.

Umalis daw siya para bumili ng ulam ng bandang alas-onse ng gabi at nadatnan na lang niya ang asawa sa loob ng CR na dinudugo. Kuwento nito, may kumakalabog daw sa bubong nila habang umiihi siya at nakita niyang may nakasilip.

Agad na isinugod sa ospital ang babae at ligtas naman daw ang bata.

Kinaumagahan ay napansin niyang may butas sa bubungan nila, may napansin siyang matandang babae na nakaupo raw sa harap ng bahay nila na parang nagmamat­yag. Ikinuwento ito ng lalaki sa kanyang misis at sinabi nito na noong lumabas siya ng bahay para magpa-check up ay nandoon din ang matanda at hinimas ang kanyang tiyan. Tinanong nito kung ilang buwan na at sinabi sa kanya na mag-ingat at baka makunan dahil babae pa naman daw ang kanilang magiging anak.

Kinabahan ang mag-asawa dahil wala naman silang pinagsasabihang iba ng tungkol sa gender ng kanilang baby.

ASWANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with