Role model ng mga anak

Bilang magulang ay importante na ginagawa kung anong sinasabi. “Practice what you preach,” sabi nga nila. Ang pinakamaepektibong pagtuturo sa mga anak ay makita ang magandang ehemplo nina nanay at tatay.

Puwedeng magkaroon ng resolution sa hapag kainan na gagawin ng buong pamilya. Ang bata ay tumitingin at natututo sa kung ano ang kanilang nakikita sa mga magulang.

Kung mayroong gustong ipagawa sa mga anak, simulan ito sa  mas maagang edad.  Magiging madali ang pagtuturo kung sina papa at mama ay hindi sumasalu­ngat sa kanilang sinasabi. Hindi na kailangang maging preachy sa mga anak na mas turn off sa bata. Ang tingin ng mga bata sa mga inuutos ay parusa o pabigat  imbes na rules na dapat sundin dahil ito ang tama.  Mas mabilis na magagawa ng anak kung ang role model ay ang mga magulang.

 

Show comments